As a first entry in this blog, Gusto kong i-share sa inyo ang buhay pag-ibig kong bokya at walang kasusta-sustansya.
Tulad nga sa mga kantang, "Pagdating ng Panahon baka ikaw din at ako.." ay humihiling din talaga ako minsan na baka kami rin balang araw, Pero hanggang imagination at panaginip ko na lang 'yun. Iba kasi ang tipo ng babae na gusto ni Dexter (itago natin siya sa pangalan na iyan.), Ang gusto niya kasi sa babae ay yung mga cold at siya ang magte-tame ng ugali nilang cold. Gusto niya rin yung Mysteryosa at Cool na babae, Eh sa tingin ko ay Warm and Bright ang personality ko. Hindi ko naman babaguhin ang sarili ko para sa kanya kahit pa mahal na mahal ko siya.
Isa pa, Kapatid at kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Ang saklap lang di ba? Sisterzoned at Friendzoned, Hindi lang isa kungdi dalawang zoned ang pinasukan ko.
Nakilala ko si Dexter dahil kaibigan siyang matalik ng kuya ko. Magkakilala na kami simula pagkabata kaya sa kaso ko? Hopeless na ko sa kanya. Sigurado walang thrill sa kanya kapag pinansin niya ko.
Sino ba naman ang magkakagusto sa babaeng malapad ang noo? Sa babaeng moody at may pagka-bipolar? Sa katulad kong Fangirl at higit sa lahat, Hopeless Romantic.
Ang sabi ko nga sa kanya, Pakakawalan ko na yung feelings ko para sa kanya. Para hindi masira ang pagkakaibigan o ano man sa amin pero imposible talaga atang maging magkaibigan ang dalawang tao na may feelings na involve.
The urge for wanting for more, Iyan ang matinding kalaban. May awkwardness at wall na rin sa pagitan hindi na katulad ng dati.
At kahit pa sabihin ko na pakakawalan ko na, Hindi ko magawa. Nandoon pa rin yung feelings at hindi madaling kalimutan. Siguro hangga't hindi pa ko nasasaktan ng todo ay hindi ako magtatanda.
Ayokong antayin yung araw na magalit ako sa kanya at kamuhian ko siya dahil sa sakit na dulot niya, na wala naman siyang kasalanan. Ayoko rin dumating yung araw na sobra-sobra akong masaktan.. Ayaw ko 'yun..